Like to encourage everyone to check this free course on Fundamental Gamefowl Technology. To enroll go to:
http://dojododo.webs.com/Classes now open but enrollment is continuing. Enroll and study at your own preferred time.
Advantages of PMAMga kamana,
May mga advantages po ang pagaaral natin sa Philippine Manok Academy (PMA).
In modern days with Internet and highly developed IT one can learn anything ten times faster than in the pre-computer era. There is no ignoring the development of the internet. Through the web we can be seemingly together even miles apart.
Sa totoo talo pa ang mga live seminars at trainings sa makukuha natin pamamagitan ng pag aral sa PMA.
Ano lang ang makukuha natin sa ilang oras na seminar? Ano lang ang matutunan natin kahit pa sa dalawa o tatlong araw na training? Lalo na kung talagang baguhan tayo. Wala tayong gaanung maiintindihan.
Ngunit sa PMA, pwede tayong pabalikbalik na magbasa sa hindi pa natin gaanong naintindihan. Maari tayong pabalikbalik na magtanong at magtalakayan hinggil sa mga pinagaralan natin. Maaring di muna natin tapusin ang pagaaral hangga't di pa natin lubos na nauunawan.
Pagkatapos, ang mga graduates at lubos nang nakakaunawa sa fundamentals ay saka lang tayo magkitakita at magkaroon ng mas advanced na three-day training. Bakit ang masteral o doctorate sa pormal na pagaaral ay pwede na nating makuha sa loob ng isa o dalawang taon? Dahil dumaan na tayong 4 na taon sa elementarya, 4 na taon sa high school at 4 o mahigit sa kolehiyo.
Ang nais mangyari ng iba ay gawin tayong instant bihasa. Ang sa PMA ay bigyan muna ng tama at wastong pundasyon sa fundamental na kaalaman bago turuan na maging bihasa.
At ang itinuturo sa PMA online ay hindi lang basta fundamentals sa pagmamanok kundi pati fundamentals upang maunawaan natin ang pagmamanok.
Magkakaroon ng live training ang PMA. I-arrange natin na ang sa Luzon ay sa National Gamefowl Training Center sa San mateo, Rizal natin gaganapin. Sa Visayas ay malamang sa RB Sugbo Gamefowl Technology sa Casili Hills, Mandaue, Cebu, at hahanap tayo ng magandang lugar sa Mindanao.
Mga graduates lang ng PMA online ang ating tatanggapin. Upang mas malalim na at tuloy-tuloy ang talakayan dahil lahat ay may alam at nauunawaan na.
Then, we can say I am proud to be a PMA-er.