17 years ago noong ako'y naging OFW sa Saudi,ang naging libangan namin doon ay mag alaga ng gamefowls na galing din dito sa Phils. Dinadala doon as fertilized eggs, hand carry. Ang naging mentor ko ay taga Iloilo. Sa loob ng pitong taon, ang tangi lang namin na pinaikot na linyada ay 3 way crosses of Lemon X Democrat X Kelso. Red, red wine, and Talisaing linaw ang kanilang kulay. Di ko pa po kilala ang Sweater noon. Timba-timba po ang laro nila. Kapag lulusob ang kalaban, tataas lang sila vertically saka sasalpukin ang lumulusob na kalaban, kapag nasapol nila ang kalaban ay saka nila kikikigin til mamatay. Malayo ang katawan nila sa pumapalong mga paa nila sa kalaban. Kapag flyer ang kalaban ay mas tataas pa sila sa kalaban para sa ere tirahin at ang finishing ay sa ibaba. Wala po kaming pakialam kung anong bloodline ang makakalaban ng aming mga manok o kung kanino galing ang lahi ng mga manok. Nalalaman na lang namin na galing kay Richard Bates at Aguirre ang mga nakalaban namin kung tapos na ang laban. Para samin, alam namin ang laro ng aming manok, kung kelan nila ilalabas ang galing nila (Bio-Rhythm sa makabagong pag-aaral sa ngayon), kung anong klaseng workout and conditioning ang ibinigay namin sa kanila. At simpleng pahinga, carbo-loading, at pointing system, kasama na din po specially ang edad ng manok. Di po kami naglalaban ng manok na bababa ang edad sa isa't kalahating taon para siguradong pasok ang palo. Dito sa Phils, kinokontrol ang moisture, doon po sa KSA, dahil DRY ang hangin at mainit na panahon, ang tangi lang namin na ibinibigay sa panabong namin sa araw ng laban ay hilaw na itlog. Tatantyahin na lang namin na empty na ang manok bago ilaban (hackfight). Wala po kaming secret formula na supplements. Alternate lang po ang 1/2 Centrum and 1/4 tablet of B1B6B12. At five days before the fight day ang huling subo ng B1B6B12 upang buo ang isip ng manok pero malalakas at nakakadiskarte ng maayos at hindi grogi o hilong talilong kesa sa mga sobrang magbigay ng supplements.
Nagbibilang po ang bawat manok namin ng panalo before mag retired o ipagbili sa mga makukulit na kababayan natin

Wala pong gamefowl feeds doon kaya kami ang gumagawa ng sarili naming mixture. Ginagamit namin ang pellets para sa tupa, concentrate grains para sa pigeon, meron namang hybrid corn, wheat, and barley doon, plus beef and eggs to boost their protein, atbp. Kaya kung ako po ang tatanungin nyo sa Sweater Killers, i think, kung satisfied ka sa performance ng manok mo sa ngayon, ay hindi lang Sweaters ang kaya nitong talunin, kundi lahat ng bloodlines.